NAKAPAG-APPLY KA NA BA NG SAFETY SEAL PARA SA INYONG ESTABLISYEMENTO?

Basahing mabuti ang proseso kung paano makakuha ng SAFETY SEAL CERTIFICATION dahil BIDA ang MAY TATAK.


ANO ANG SAFETY SEAL?

Ang Safety Seal Certification ay isang boluntaryong sertipikasyon na nagpapatunay na ang isang establisyemento ay sumusunod sa MINIMUM PUBLIC HEALTH STANDARDS na itinakda ng gobyerno at gumagamit ng contact tracing app nito na StaySafe.ph.

Ipapaskil ito sa mga Entrance ng mga establisyemento para madaling matukoy na sila ay compliant.


ANU-ANONG MGA ESTABLISYEMENTO ANG MAARING MAG-APPLY SA SAFETY SEAL INSPECTION AND CERTIFICATION COMMITTEE NG LGU-SAN ENRIQUE, ILOILO?

  • Malls
  • Wet markets
  • Other retail stores
  • Restaurants outside Hotels/Resorts
  • Fast food, Eateries, Coffeeshops, etc.
  • Banks, money changers, pawnshops, remittance centers
  • Car wash
  • Laundry service centers
  • Art galleries, libraries, museums, zoo
  • Sports centers
  • Tutorial, Testing, and Review Centers
  • Gyms
  • Spas
  • Cinemas
  • Arcades
  • All other private establishments not covered by other issuing authorities

PAANO MAKAKUHA NG SAFETY SEAL?

  1. SA PAMAMAGITAN NG ONLINE O WALK-IN APPLICATION:

a. I-click ang link na https://tinyurl.com/safetyseal
Kung walang access sa internet, pumunta lamang po sa Window 1 ng Office of the Municipal Treasurer, doon po maaring humingi ng Safety Seal Application Form/Checklist.

b. Sagutan ang form ng matapat at ibigay ang tama at totoong impormasyon. Kung ito naman ay walk-in (manual) application i-submit po ang accomplished form sa Window 1 ng Office of the Municipal Treasurer.

c. Magtatakda ng araw ng inspeksyon ang mga itinalagang miyembro ng Safety Seal Inspection Team upang suriin ang kaukulang pagsunod ng establisyemento batay sa Checklist ng mga MINIMUM PUBLIC HEALTH STANDARDS na itinakda.

d. Ang Inspection Committee ay magtutungo sa inyong establisyemento upang isagawa ang aktwal na inspeksyon.

  • d.1 Kapag nasuring may kakulangan sa pagsunod ang establisyemento, magpapayo ang Safety Seal Inspection Committee kung ano ang kailangang i-comply batay sa Safety Seal Standards.
  • d.2 Kapag nasuring fully compliant ang establisyemento, ang Safety Seal Inspection Committee, ay magpapadala ng soft copy ng Safety Seal sa pamamagitan ng itss@sanenrique.gov.ph sa e-mail na inyong ibinigay sa application form.  Ang may-ari / itinalagang kinatawan ang siyang magpi-print at magpapaskil ng Safety Seal sa mga Entrance ng establisyemento.
  1. REGULAR NA PAGBISITA

Ang Safety Seal Inspection Team ay magsasagawa ng regular na inspeksyon sa mga itinalagang establisyemento sa LGU-San Enrique, Iloilo upang matukoy kung alin sa mga ito ang fully compliant sa mga Safety Seal Standards. Gayundin, ang mga establisyementong mapapatunayang may paglabag o hindi sumusunod sa mga itinalagang Minimim Public Health Standards ay bibigyan ng payo ng Safety Seal Committee sa mga hakbang na maaaring gawin upang masigurado ang kanilang pagsunod.

  1. BIGLAANG INSPEKSYON

Sa mga pagkakataong ang Safety Seal Committee ay makakatanggap ng reklamo laban sa isang establisyemento ukol sa pagpapatupad ng mga Minimum Public Health Standards, ang mga itinalagang Safety Seal Inspection Team ay magsasagawa ng aktwal na inspeksyon upang mabigyang paalala ang mga may-ari / itinalagang kinatawan ng tamang pagsunod sa mga alituntunin. Gayundin, maaaring bawiin ang Safety Seal na iginawad sa establisyemento kung mapapatunayang ito ay may pagkukulang.


KUNG MAY REKLAMO UKOL SA SAFETY SEAL PROGRAM:

Ang publiko ay maaring mag-report ng noncompliance o hindi pagsunod sa mga MINIMUM PUBLIC HEALTH STANDARDS at hindi paggamit ng StaySafe.ph o anumang contact tracing tool ng mga ESTABLISYEMENTONG NABIGYAN NG SAFETY SEAL sa sumusunod:

SAFETY SEAL INSPECTION AND CERTIFICATION COMMITTEE SECRETARIAT

Information Technology Services Section
Tel No. 585-5586
Email: itss@sanenrique.gov.ph
Facebook:  San Enrique, Iloilo